Mahigit dalawang buwan na ang ating pakikibaka at pakikipaglaban ngunit ang tanging sagot nila ay suhol na limang taon para maka-graduate ang lahat ng naka-enroll at ayon sa admin, original daw ang matatanggap na diploma pero ito ay isang malaking panlilinlang. Mapua Institute of Technology nga ang ginamit nila na header pero may footnote sa ilalim na Malayan Colleges operating under Mapua Institute of Technology. Ayon sa CHED hindi tayo pwedeng mag-operate under Mapua Institute of Technology dahil Malayan na talaga. Sa madaling salita, niloko na naman tayo. Kung inaakala ng admin na lalambot ang paninindigan ng mga estudyante at mapanghihinaan ng pwersa ang United Mapuans sa pagpataw ng mga kaso sa mga officers nito, nagkakamali sila. Mga kasamang true-blooded Mapuans, nagsisimula pa lang ang tunay na laban. Sa mga isinagawa nating kilos protesta sa mga nakalipas na buwan nakuha natin ang limang taong grace period o transition period kung tawagin ng admin. Isipin nyo ang kaya nating gawin kung ipagpapatuloy natin ang ganitong mga gawain. Malapit na ang tagumpay, wag tayong magpaloko at pumayag na gawing negosyo ang ating mahal na paaralan. May prerogative nga sila na gawin ang kanilang gusto dahil sila ang may-ari pero hindi nangangahulugan na may karapatan silang tapakan ang ating mga karapatan, sirain ang ating pangarap na maging full-pledged Mapuan, at higit sa lahat, yurakan ang institusyon na binuo ni Don Tomas Mapua.
Hindi kami tumututol sa pagiging university ng Mapua, kaya sana dinggin na ang aming hiling, wag na sanang umabot sa punto na pati ang pagiging university ng Mapua ay tututulan na din namin. Iba-iba nag sinasabi ng admin para kumbinsihin at takutin ang mga estudyante. Malinaw na panloloko ang ginagawa ng admin sa pagpapalabas nila ng mga open letter sa mga pahayagan dahil hindi nila pinapaalam ang issue tungkol sa Malayan Colleges. Kahit isang salita na umuugnay sa Malayan Colleges wala silang binanggit.
Napaka-daming problema at butas sa sistema ng Mapua Institute of Technology, bakit gusto nilang pumasok sa isang malakihang pagbabago ng hindi pa maayos ang system sa loob. Aaminin namin na gumanda ang facilities simula ng mabili ng mga Yuchengco ang Mapua, pero kalakip ng pisikal na pagbabago, bumaba ang antas ng kalidad ng pagtuturo at pinatutunayan ito ng resulta sa mga nakaraang board exams.
Walang pagbabagong magaganap kung hindi natin sisimulan sa maliit na bagay. Walang liwanag ang sisilay kung hindi natin sisindihan. Walang adhikain na matutupad kung hindi natin ipaglalaban. Walang magiging Mapuan kung hindi tayo maninindigan.
Naging negosyo ang ating paaralan. Naging pormahan ang ating institusyon.
Kaming mga estudyante, mga true-blooded Mapuans, ay hindi papayag sa ganitong sistema. Marami kaming mga pangarap, at ang ginagawa nila na pagpapalit ng sistema, ang pagbubura ng istitusyon ay pagsira sa aming mga pangarap.
Kung ang Mapua Institute of Technology High School ay tinanggal nila ng walang alinlangan, kayang-kaya nilang tanggalin ang ating mga pangarap na maging Mapuan. Kami ay hindi titigil…Viva Mapua!!!
ANG AMING MGA PINAGLALABAN :
• Pananatili ng pangalan at karangalan ng Mapua Institute of Technology. • Protocol sa tamang konsultasyon sa mga estudyante at magulang • Pagkakaroon ng kalayaan na magpahayag sa loob ng eskwelahan • Revision ng students’ catalogue • Boses at miyembro na estudyante sa board of trustees
To all Mapuans,
ReplyDeleteOFFICIAL PRESS RELEASE
Mahigit dalawang buwan na ang ating pakikibaka at pakikipaglaban ngunit ang tanging sagot nila ay suhol na limang taon para maka-graduate ang lahat ng naka-enroll at ayon sa admin, original daw ang matatanggap na diploma pero ito ay isang malaking panlilinlang. Mapua Institute of Technology nga ang ginamit nila na header pero may footnote sa ilalim na Malayan Colleges operating under Mapua Institute of Technology. Ayon sa CHED hindi tayo pwedeng mag-operate under Mapua Institute of Technology dahil Malayan na talaga. Sa madaling salita, niloko na naman tayo. Kung inaakala ng admin na lalambot ang paninindigan ng mga estudyante at mapanghihinaan ng pwersa ang United Mapuans sa pagpataw ng mga kaso sa mga officers nito, nagkakamali sila. Mga kasamang true-blooded Mapuans, nagsisimula pa lang ang tunay na laban. Sa mga isinagawa nating kilos protesta sa mga nakalipas na buwan nakuha natin ang limang taong grace period o transition period kung tawagin ng admin. Isipin nyo ang kaya nating gawin kung ipagpapatuloy natin ang ganitong mga gawain. Malapit na ang tagumpay, wag tayong magpaloko at pumayag na gawing negosyo ang ating mahal na paaralan. May prerogative nga sila na gawin ang kanilang gusto dahil sila ang may-ari pero hindi nangangahulugan na may karapatan silang tapakan ang ating mga karapatan, sirain ang ating pangarap na maging full-pledged Mapuan, at higit sa lahat, yurakan ang institusyon na binuo ni Don Tomas Mapua.
Hindi kami tumututol sa pagiging university ng Mapua, kaya sana dinggin na ang aming hiling, wag na sanang umabot sa punto na pati ang pagiging university ng Mapua ay tututulan na din namin. Iba-iba nag sinasabi ng admin para kumbinsihin at takutin ang mga estudyante. Malinaw na panloloko ang ginagawa ng admin sa pagpapalabas nila ng mga open letter sa mga pahayagan dahil hindi nila pinapaalam ang issue tungkol sa Malayan Colleges. Kahit isang salita na umuugnay sa Malayan Colleges wala silang binanggit.
Napaka-daming problema at butas sa sistema ng Mapua Institute of Technology, bakit gusto nilang pumasok sa isang malakihang pagbabago ng hindi pa maayos ang system sa loob. Aaminin namin na gumanda ang facilities simula ng mabili ng mga Yuchengco ang Mapua, pero kalakip ng pisikal na pagbabago, bumaba ang antas ng kalidad ng pagtuturo at pinatutunayan ito ng resulta sa mga nakaraang board exams.
Walang pagbabagong magaganap kung hindi natin sisimulan sa maliit na bagay. Walang liwanag ang sisilay kung hindi natin sisindihan. Walang adhikain na matutupad kung hindi natin ipaglalaban. Walang magiging Mapuan kung hindi tayo maninindigan.
Naging negosyo ang ating paaralan. Naging pormahan ang ating institusyon.
Kaming mga estudyante, mga true-blooded Mapuans, ay hindi papayag sa ganitong sistema. Marami kaming mga pangarap, at ang ginagawa nila na pagpapalit ng sistema, ang pagbubura ng istitusyon ay pagsira sa aming mga pangarap.
Kung ang Mapua Institute of Technology High School ay tinanggal nila ng walang alinlangan, kayang-kaya nilang tanggalin ang ating mga pangarap na maging Mapuan. Kami ay hindi titigil…Viva Mapua!!!
ANG AMING MGA PINAGLALABAN :
• Pananatili ng pangalan at karangalan ng Mapua Institute of Technology.
• Protocol sa tamang konsultasyon sa mga estudyante at magulang
• Pagkakaroon ng kalayaan na magpahayag sa loob ng eskwelahan
• Revision ng students’ catalogue
• Boses at miyembro na estudyante sa board of trustees